What should I do when I meet difficulties?some people will hide from it.thinking that when the time comes everything will be ok in my opinion,facing it is better than hiding
from it.solving it is better than ignoring it.
I remember when I'm a 10 years old the first time I attented singing contest, I was very nervous.I didn't have any of this kind of experience before.I panicked and worried a lot.i wanted to hide.to give up.at first slept from day to night I dont know what to do.I told myself,I must look stupid if I stand up there!No one will ever understand what Im saying!
However,as day passed.i started to convince myself.if ,I Have to try
So I practice everyday,Gradually I found myself Improved.I feel natural:Finally as time came, I stand infront of everyone and at that time I know even I Didnt win I had try my best.
As an old saying goes.It doesn,t matter wether you win or lose:Its how you play the game
What will you do when face your difficulties?As believe,the process is more important than the result.Most of all,never give up!!
20081226
The way I deal with difficulties
My DREAM ABOUT LOVE
Another day
Another day another moment. Can’t really expect things to be forgotten so easily even if i tried my best here. But still i find it quite satisfying to be able to live my life just the way i want. No one there to tell me about what i should or shouldn’t do. Maybe this is the life that i yearned for. The life that i craved for but never realized it till now. Having someone always in my mind is really not my cup of tea, and not to mention how much trust you have to give to people that you don’t and won’t be able to know entirely. Maybe i’m just tired or maybe its just because i’m already satisfied with my life as it is and that these situations are just present to make me realize that.
Pangarap
Bata palang ako marami na akong pangarap, Pero ang hirap palang matupad. Marami ka pang pagdaanan bago mo makamit ang mga ito.Pero sabi nila ang matyaga at mapagtiis ay may mararating .Katulad ko sa dami ng pagsubok sa buhay ko , napakahirap .dahil simula pa bata ako hirap na ang dinanas ko, Minsan dumarating ang kahinaan ko. Pero hindi ako sumuko tinanggap ko, anuman ang hirap ginawa ko Dahil pangarap ko makatulong sa mga mahal ko sa buhay. Pagkatapos ko sa high school lumayo ako sa mga magulang ko upang hanapin ang aking kapalaran at pumasok ako bilang isang katulong sa isang mayaman .At habang namamasokan ako pumasok ako sa isang vocational school at pagkatapos ko. umalis ako sa amo ko at namasukan ako bilang isang beautician at bago ko natutunan sa ibat ibang klase ng style naka apat na taon ako, sa pinasukan kong parlor. At habang namamasukan ako may kamag anak ako na dumating galling sa ibang bansa at siya ang daan para akoy nakapunta sa ibang bansa bilang isang beautician ,at natutuwa ako dahil nakakatulong din ako sa mga magulang ko ,pero dumating ang araw na nawala ang aking mga magulang kaya walang inasahan ang mga kapatid ko kundi ako. Mahirap man at masakit para sa akin pero wala akong magagawa tinanggap ko ang lahat na responsibilidad na binigay ni Lord sa akin . akala ko di ko kaya noon pero nakayanan ko rin at kahit papaano nakakaraos din kaming magkakapatid .at sa tagal ko na sa ibang bansa napatapos ko ang isa kong kapatid at pagkatapos niya nakapasok rin siya ng isang magandang kumpanya at siya ang nagging katulong ko upang maiangat naming ang aming pamilya at ngayon Masaya na rin kami dahil natupad na rin ang mga pinapangarap naming sa buhay.,
LOVE AT FIRST SIGHT
Dati napakasuplada ko sa mga lalaki noong high school ako .
Gusto ko lang mga babae ang kasama ko tatlo kaming magkakaibigan yon isa tomboy.
Habang tumatagal ang aming pagkakaibigan, May nabuong relasyon sa dalawa kong kaibigan di ko akalain na may balak pala ang tomboy na kaibigan ko, umiwas ako kasi feeling ko parang naiinggit ako sa kanilang sweetness. Tapos madalas akong mapagisa. Ganon paman concentrate pa rin ang pag aaral ko hanggat natapos ako sa high school..Pagkalipas ng isang taon isang classmate ko ang nag invite sa akin sa isang party , At sumama ako sa araw ng party feeling ko enjoy ako kasi may sayawan at kantahan. May nagrequest na kakanta ako at gumitarra at pumayag naman ako . Pagkatapos ng party may lumapit na lalaki sa akin upang makipagkilala katamtaman ng height guapo at may konting bigute at bimpol napakalakas ng appeal ,Sa oras na yun bigla akong kinabahan at iba ang naramdaman ko feeling ko na love at first sight yata ako.Habang nagkukwentuhan kami para akong nabibighani sa kanyang kaguapuhan,. Kinabukasan nagpaalam ako sa kaibigan ko para makauwi na sa aming lugar .Pag kalipas ng ng ilang araw may naghahanap sa akin na isang lalaki .At noong nilapitan ko di ko akalain na siya yon nakilala ko sa party. Nagulat ako at kinabahan Pero natutuwa kasi pinuntahan at hinanap niya ako pinapasok ko sa loob ng aming bahay para magkuwentuhan habang nagkukuwentuhan nagtapat sa akin, Na love at first sight din pala katulad ko tinaggap ko siya kasi di ko rin kayang dayain ang sarili ko dahil pagibig din ang naramdaman ko , Nabuo an aming relasyon masaya kaming dalawa, Inspirado sa mga pangarap sa buhay pero habang tumagal ang aming relasyon, Di ko akalain na mawawala pala ang bisa ang aming pagmamahalan, Nawalan kami ng kumunikasyon noong nag ibang bansa na siya para sumakay sa barko. At yon ang dahilan kong bakit kami nagkahiwalay yon eto pala ay LOVE AT FIRST SIGHT LANG ,
Tunay Na Pagibig
Sa pag ibang bansa ko doon ko natagpuan ang sinasabing tunay na pagibig:
Isang araw lumabas ako sa work ko para bumili ang meryenda
Pagpasuk ko sa store may dalawang lalaki sa gilid ng pinasokan kong tindahan.Isang matangkad at isang pandak na foreigner paglabas ko. Nakatayo pa rin sila sa gilid at noong medy malayo na ako sumusunod sila sa akin. Pagpasok ko sa shop namin isasardo ko sana ang pinto pero costumer din pala sila. ganun pa man nagtanong ako kong ano ang paayos nila at narinig ko chinese ang usapan nila dahil mga taga ibang bansa sila kinausap ko sila ng english at sumagot ang isa sa kanila at sabi , (we want shampoo).kaya inumpisahan kong inugasan ang buhok . at yon isa naman isa sa mga kasama ko ang nagshampoo.
Habang pinapatuyo ko ang kanyang buhok Tinanong niya kong taga saan ako sabi ko I’m from philippine, nagulat siya pagkatapos kong ayusin umupo siya sa isang tabi nagkatuwaan kami Dahil may dalang camera nagkuhanan kami ng picture . pati mga kasama ko at bago sila umalis Hiningi nila ang address namin .Kinagabihan bumalik ang isa sa kanila para hingiin uli ang address yon pala nawala nila pagkalipas ng isang linggo may nattanggap kaming pictures at sulat galing Taiwan at ang laman ng sulat nakikipagkaibigan sa aming Dalawa
ng kasama ko Dahil intresado rin kami .nagresponse din kami upang magpasalamat sa pinadala nilang pictures namin sa shop .Tuwing Linggo kaming nakaka tanggap ng sulat ng kasama ko .habang tumatagal ang pakikipagkaibigan namin sa kanya may nabuong relasyon namin dalawa at doon na rin nagumpisa na parang galit na ang kasama ko sa akin .Di ko akalain na may gusto rin pala sa kaibigan namin Taiwanese, ganon pa man tuloy parin ang pakikipagrelasyon ko. sa taiwanese kahit galit ang kasama ko .Kasi napamahal narin ako.pagkalipas ng isang taon bumalik sa Palau upang pagusapan namin ang kasal namin natuwa ako Dahil di ko inasahan na siya pala ang mapapangasawa ko. Akala ko panaginip lang yon pala totoo. At ngayon Tatlo na ang anak namin, Masaya ang aming pamilya anuman ang Hirap at pagsubok nagtutulungan sa hirap at Ginhawa Dahil punong puno ang pagmamahal .Ito ang kuwento ang aking Tunay na pagibig.
MY ELDEST SON AWARDS
Isa sa mga anak ko ang matalino nasa Day care palang hinahangaan na siya pagdating sa class anuman subject madalas siyang nasa top minsan First Honor. Unang pagsali niya sa isang contest sa buong class nakuha niya ang pinaka First prize nagkaroon siya ng premyo at Certificate award at doon siya nakilala ng buong school. Dahil may tinatagong abilidad, kaya mula nag grade one hanggang grade six madalas na siyang isali tuwing may contest sa ibat ibang school dito sa Taiwan.At di rin siya natatalo madalast siyang nasa una minsan pangalawa .Marami ng beses na sumali kaya nakaipon ng awards like trophy at certificate. Nagiging inspirado sa pagaaral lalo pag may natatanggap na pera sa pagsali niya ng contest . At noong natoto siya pagdating sa computer at nagkaroon ng contest sa school nila sumali uli ng ibang contest at dahil jan isa na naman siyang napili sa school nila upang sumali sa ibat ibang school sa aming City ,At di naming inaasahan na siya ang nakakuha ng first prize. sa dami ng contestant sa ibat ibang school. Naipagmalaki siya ng school nila kaya nagiging proud din kami .dahil nagkaroon kami ng matalinong anak .